Entries for February, 2004

February 1st, 2004

Yeheeeeeeyyyyyyyy!!!!!!!!

Lilipat na kami uli kami sa Bicol. Kakatakot kasi sa me amin eh. Maraming tao tapos ang sikip ng lugar. Yun namang nahahanap ng auntie ko na bahay o apartment ay masyadong malayo dito sa Manila kung hindi naman, hindi maganda ang feng shui ng house number x___x;;; Namimiss ko na rin Bicol. Masaya don eh, tsaka hindi ako pinipimples dun.
Posted by _forevergirl at 01:37 PM | 3 holla at me

February 2nd, 2004

My Precious *hisses*

Wala lang talaga na akong magawa sa buhay ko. Eto try ko tong klase ng paggawa ng oekaki. Wish ko lang merong magbibigay sa kin ng graphic pen *_*



Sabi ko ibibigay ko kay Mike yung blue bear na cellphone strap. Pero masyado kong mahal yung teddy na yun na feeling ko kulang buhay ko pagnawala sya :D
Currently listening to: 3 Doors Down's Sarah Yellin
Posted by _forevergirl at 09:00 PM | 1 holla at me

February 3rd, 2004

Magnanakaw!!!

Siguro isang buwan mahigit ay bumili ng bagong sasakyan auntie ko (Nissan Frontier). Tapos yung kinagabihan nung araw na yun ay me nagnakaw ng gulong kasama yung rim. LOL. Di bale, kasi me insurance naman yun. Pero sayang, di ba? Ayaw na nga sana nila dalhin yun tuwing luluwas dito kasi yung lugar namin malapit sa riles, maraming halang ang kaluluwa >_>;;. Takot nga ako sa amin lumabas eh, ni wala ako dito kaibigan.

Kagabi, yung asawa ng auntie ko, si "Gubat" (yan kasi tawag ko sa kanya, kekeke!!) ay natulog sa loob ng sasakyan nila. Ayun, bandang alas-2 biglang me kumalabog sa roll-up ng shop, tapos biglang me nagtakbuhan, tapos narinig na lang namin umandar yung makina ng sasakyan. Akala ko me nag-aaway na naman sa me kalsada, sabi ko nga meron na naman nagbabatuhan at baka ang tinamaan ay yung roll-up. Kakatakot talaga sa lugar namin @_@;; Yun naman palang asawa ng auntie ko ay hinabol yung mga magnanakaw na naka-tricycle hanggang sa kabilang street. Binangga niya yung tric kaya wasak yung harapan. Sira yung side mirror nila auntie kasi yun yung binaklas nung manong na magnanakaw. Dun sa loob ng tric ay me mga lamang car accessories na ninakaw nila. Sabi nga, yun daw panlagay sa harapan ng sasakyan na bilog (Sorry ha? Bobo ako pagdating mga ganyan) ay mahal daw yun. Nakatakas yung isa pero yung isang nahuli ay kalaboso. Sabi nung kapitbahay naming mananahi, yung tricycle na yun ay nakita niyang me sakay na isa pang bakla. Hula ko lang, yun yung nagtip na nanakawan yung sasakyan ng auntie ko.

Di ba? Dapat na talaga kaming umalis sa tinitirhan namin. Masyado kasing maraming gago eh.

Ang reklamo ko lang ay yung mga pulis. Grabeh halos 30 mins bago nakarating, mas nauna pa yung mga barangay tanod. Tapos naka-sampu kaming tawag bago me nagsabing reresponde sila. Pagtawag namin sa isang Police Station, sabi "Hindi po sakop namin yan, tawagan ninyo po ang Station 4" Tapos pagtawag namin sa station na yun, sa ibang station naman kami ni-refer. Ang masasabi ko lang ANG MGA PULIS DITO SA PILIPINAS AY MALAKING KATATAWANAN!!!
Posted by _forevergirl at 04:42 PM | 2 holla at me

February 4th, 2004

Pweh *dura ng dura*

Pinakaayaw ko katabi sa dyip ang mga babaeng mahahaba ang buhok. Ayoko kapag nasa unahan ko sila tapos tumatakbo ang dyip. Ang mahabang buhok nila ay nililipad ng hangin papunta sa bibig ko. Pweh :r Kadiri naman yung babaeng yun >_>;;
Posted by _forevergirl at 08:18 PM | 2 holla at me

February 5th, 2004

Ewan ko ba

Masyado akong magastos.Me pc naman sa bahay tapos nagrent pa ko dito sa cafe para lang gawin mga layouts ko. Naka-point na sa access point ng host ko yung domain name, hintay ko na lang mag-propagate. Tapos na ko sa bagong layout. Si Bjork XD;; Isang kanta lang niya ang gusto ko, yung ang video ay nagsasayaw sya kasama ang isang mascott. Ayoko ng ugali niya, nanakit ng reporter yan eh. Pero kung talent niya sa musika ang pag-uusapan. Kakaiba sya at talagang mapupuna mo ng mga gawa niya.
Posted by _forevergirl at 01:14 PM | 4 holla at me

February 6th, 2004

P.D.A.

Sige post ako about PDA's. Si Sars kasi eh :p

Ang pinakapaborito kong PDA's ng mga lovers ay yung nakita ko nung highskul. Yung dalawa magkahawak ang kamay tapos nung nandoon na sila sa me tulay, bigla ba naman nagtanggalan ng muta yung dalawa. LOL.

Btw, Jei naka-upload yung anthem sa bagong host. nilipat ko na. Pero baka before 24 lumipat na ulit ako. Kaya dapat me backup copy ka na ^^/
Posted by _forevergirl at 12:00 PM | 2 holla at me

Putangina!!!

Tangna, hindi ata ako makakagraduate dahil jan sa putanginang PE!!! Punyeta PE. Paksyet! Pinasahan ko yun. Tanggala naman. Nakalagay sa classcard ko: 2.00. Tapos kanina nakita ko evaluation sheet ko: "withdrawn". Puchaching naman pare. PE ang bumibitin sa akin ngayon. Kailangan ko pa ahnapin ko prof ko sa monday. Kita mo na yan?? Grabeng abala sa akin. Sa halip na aasikasuhin ko na thesis namin. Yang putang PE na yan aatupagin ko.

PE lang ahahahahahaha!!!

PE

PE

Naglaro ako ng softball sa ilalim ng init para mapasahan ko yung subject na yun. Kaklase ko pa si Aliza.. Tapos tumakbo-takbo pa klo sa fiel para maghabol ng bola para sa PE na yun. aglaro rin ako ng baseball para lang makapasa. Intro to Sport eh. Tapos withdraw ang garde ko u__u;;;; fuckedy fucked fucked fuck talaga..........

PE lang yun.

Wala na akong ginawa simula kanina kungdi magmura dahil sa PE

bwaahahah!!

Tangina ka PE!!!

[edit]
Kailangan ko pala ng matinong 80's pic na pwede ko gamitin sa guestbook ko. Meron sana dun sa Trace magazine na pwede kong i-scan pero hindi pa ako kuntento dun. Hindi pati nageexist yung site nila na trace12.com. Bwahaha! Sobrang kamalasan na to!!

Y_Y;;

Galit pa ata sa akin si Mike. kekekeke!!
[/edit]
Posted by _forevergirl at 10:20 PM | 1 holla at me

February 7th, 2004

Hayy..

Me interview kami kanina para as trabaho. Nakaabot ako hanggang final interview pero feeling ko bagsak ako dun. Sabi nila i-text na lang daw ako within this week. Kung wala akong matatanggap na text message, ibig sabihin ay hindi nila ako i-hire. Ayokong umasa, bahala sila... Sabi ko kay Karen, maghanap pa kami ng maaaplayang iba. Kailangan ko talaga ng pera ngayon.

Nga pala, parang nadidiri na ako sa Friendster ngayon ^_^;; Maraming meron nun tsaka maganda yung idea. Pero yung ibang tao nakakatakot na yung ginagawa nila. Nagsesearch sila ng mga user tapos tinitingnan yung pictures ng mga nandun then kapag nagustuhan nila, add nila sa friends list nila kahit hindi naman talaga nila kakakilala. Trend na nga sya pero ang dating ngayon ay parang personals thingy at face-pic. Nagiging jologs na yung dating dahil sa mga kurimaw na walang ginawa kundi maghanap ng mga chic dun. Sa totoo lang nahihya na akong magsabing me friendster ako XD;;;

Binago ko na ang gallery ko. Talagang puro drawings na lang ang laman niya.
Posted by _forevergirl at 07:12 PM | 2 holla at me

February 8th, 2004

Kung me taong malas, ako na yun...

Kahapon nawala ko lahat ng classcards at registration cards ko. Yung kasing kasabay ko pagapply ay nanghiram ng patungan ng pagsusulatan. Yun lalagyan ng classcards at regi ko ang pinahiram ko sa kanya. Kanina ko lang napansin na wala sa bag ko yung lalagyan ng classcards at regi ko. Kaya bukas, kahit nakakahiya, babalik ako sa office kasi baka doon naiwan. Kung wala dun ay kailangan kong hingin ang contact number nung kasabay ko sa pagaapply kasi tatanungin ko sya dahil baka nadala niya. Wala akong pakialam kung ano ang magiging impresyon sa akin nung interviewer sa trabaho. Kailangan kong makuha yung mga classcards ko lalo na yung sa PE kasi yun na lang ang katibayan ko na pinasa yung klase na yun at hindi ako nagwithdraw.
Posted by _forevergirl at 06:00 PM | 2 holla at me

February 10th, 2004

Wahh!!

Nakakaawa naman yung 400 na love birds na sinunog kahapon kasi suspected birds flu carrier sila. Ang naging kasalanan lang nila ay dumaan yung eroplanong sinasakyan nila sa Thailand at walang export permit sila. Ganyan talaga ang buhay-hayop^^;;

Nakuha ko na classcards ko. Yeheey!! *kandirit*kandirit*

Mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko? O kailangan mo ko dahil mahal mo ako??? <-- quote of the month yan sa skul XD;;

Nga pala, bago layout ko, si Papa Corey yan *frenchkisses Corey* Grabehhh!! Obsess na ata ako dun.

Topic ni Beth sa channel niya:
" When someone tells you bad words... SMILE! When someone slaps your face... SMILE! When someone breaks your heart... SMILE! ... Then beat him up and stab him to death... then... SMILE! XD "

HAHAHA!! Baliw talaga yun.
Posted by _forevergirl at 11:50 AM | 8 holla at me

February 13th, 2004

Grabeh na to!!

Bwahaha!! Nakakaaliw naman yung lalaki dun sa may Dept of PE. Kasi nga irereklamo ko yung grade na ibinigay sa aki n ni Prof Lanipa at Prof Alcober. Me habol pa daw ako kahit patay na yung dalawa (S.L.N. >>sumalangit nawa). Sabi niya hindi daw ako mukhang graduating xD;;; Mukha raw akong bata pa. Ayy sheett!! Nakakawindang sya, at least feeling ko ngayon hindi ako ganun katanda kasi nga mukha pa rin akong teenybopper (eww). LOL.

Nag-update ako ng layout ng domain ko. Kulay pink sya. Pucha, isang oras ko ginawa yung leche flang vector tsu-tsu ng sombrerong yun. Sabi kasi ni Mike nakakatakot daw si Bjork....Saan kaya nilipat ni Aichee yung blog niya. Kasi kung nahihirapan siyang humanap ng host. I-host ko na lang sya uli once na stable na yung space ko. Baka by the end of this month or 2nd week pa ng March. Mabait naman yun eh.

Kung me kanta ako para kay Mike, eto na yun, napakinggan ko nung isang gabi. Kanta to ni Sheryl Crow:

I would have given you all of my heart
But there's someone who's torn it apart
And he's taken just all that I had
But if you want I'll try to love again
Baby, I'll try to love again but I know
.
.
I still want you by my side
Just to help me dry the tears that I've cried
And I'm sure going to give you a try
And if you want I'll try to love again
Baby, I'll try to love again but I know

Hahaha!! LOL. Ang corny ko. Pagbigyan ñu na ko XD;;
Currently listening to: Atomic Kitten's The Last Goodbye
Posted by _forevergirl at 11:57 AM | 4 holla at me

February 14th, 2004

Uyyy!!!

Heto pa rin ako, nag-iisip ng paraan kung pano ako magkakapera bago mag-24 u__u;;; Parang feeling ko kulang ang buhay ko. Alam ko namang dalawang bagay lang makapagpupuno nun eh: trabaho at alagang pusa o aso. Pero syempre kailangan ko muna yung una para makabili ako ng alaga *_*

Nakakaaliw talaga yung lalaki sa PE Dept. Kasi nung bumalik ako tinatanong nya kung me org (aktibistang samahan) na kasali ako. Wala no!!! Tsaka sabi niya kilala daw niya talaga ako sa mukha pati raw yung bf ko kilala na rin daw niya kasi lagi niya nakikita... EHHH?? Ewan ko sa kanya. Malay mo, me split personality ako, hindi ko lang alam, kekekeke!! Hindi ako naniniwala jan sa pagsali sa mga aktibista-chuchu na yan. IIlan na lang yung talagang me pinaglalaban. Yung iba, mga posers at sumali lang sila dahil gusto nilang maging popular sa skul. Masyadong maraming fake dito sa mundo... hayyy!!

Sa totoo lang, gusto ko gamitin uli yun bakasousuke.com, 6 months pa buhay nun at gusto ko rin syang i-renew at gamitin. Kaya lang pag nalaman ni Alex yun baka awayin na naman ako. Eh paki ba nya! Angsungit nya no! Tatandang binata yun.. Pero syempre nakakamiss din kasungitan niya. Tsaka nalilibang akong kausap yun eh. Hayy!! Nakakamiss talaga yung dati.. sana yung magagandang nangyari sa akin hindi na lang nagbago =3

Nga pala, nung napanood ko yung Kill Bill, masyadong napamahal sa akin yun character na si O-ren Ishii. Grabeh, isang tunay na dyosa talaga si Lucy Liu. Anggaling ng pagbibigay-buhay niya sa Chinese-Jap na assassin na yun ^_^
Posted by _forevergirl at 05:54 PM | 1 holla at me

February 17th, 2004

Bleh

Asus!! Kung bakit ba naman kasi ngayong week pa nagkaroon ng SCUAA sa skul!!! Me papipirmahan ako sa Chairperson ng PE tapos hindi ko sya makita u__u;;;

Heto pa rin kami, mega-type na ng thesis. Ewan ko ba, wala akong tiwala sa prof namin na magcheck ng thesis namin. Eh pano scan nya lang yun gawa namin then saka nya kami chop na "hindi ganito, bakit ganyan" chuchu. Hindi niya talaga binabasa. Ang tamad talaga ng mga professors, hindi lahat, pero mostly. Mas dapat nga taasan sweldo ng mga teacher sa high skul kasi sila talaga yung banat sa trabaho. Ang mga professors walang lesson plan, lamang lang sila sa masteral degree. Hayy!! Ganito talaga sa mundo, walang katarungan at pagkakapantay-pantay -_-;;

Kawawa naman si Tintin. Hindi sya nakasama sa amin kasi nahihirapan syang makalakad. Kwento niya kasi nung 2 gabi na nakakaraan ay nagising sya ng madaling araw tapos hindi na sya makatayo. Akala nga daw niya malulumpo na sya, mahina talaga katawan nun.

Bwahaha!!! Ang corny ng longkatots sa bahay. Kasi sabi niya iboboto niya si FPJ kasi idol daw niya yun matagal na. Siguro kung ang F4 kakandidato, ipagpalagay na nating si Jerry Yan ang President tapos VP si Vic Zhou at senators naman yung sina Ken at Vaness. Nakuu!! Sa klase ng utak meron karamihan mga pinoy, tiyak ko nang panalo mga yun. Sayang, naging Taiwanese sila. Problema kasi sa atin ang gusto natin makamasa, mabait, maawain etc . Yun ba talaga ang klase ng tao na kailangan natin maging Presidente?? Mga isa't kalahating tanga lang nag-iisip ng ganyan. Paano naman yung presidentiable na hindi makamasa, hindi mabait at hindi maawain pero alam niya ang kanyang ginagawa at alam niya kung paano patakbuhin ang Pilipinas??

Nag-update ako ng Devil's Playground. Balak ko syang ibalik sa bakasousuke.com =D
Posted by _forevergirl at 12:12 PM | 3 holla at me

February 22nd, 2004

ako ay may alaga, pusang mataba XD;;;

Gustong-gusto ko bumili ng alagang pusa, ayoko ng mabalahibo kaya malamang na Siamese cat mabili ko. Gusto ko rin mag-alaga ng mag-asawa na Chinese chicken. Yung mga manok na mukhang midget. Ang cute kasi nila eh *______* Uuwi na ko sa Bicol kaya pwede na uli akong mag-alaga ng hayop. Namimiss ko rin kasi yung me pinapakain ako tapos binubugbog kapag badtrip ako XD;;

Pero pagnatapos na itong punyetang thesis na to, saka lang ako makakaipon ng pera. Tangina, laspag na ako, lagas pa pera ko >_<;; Di bale, huli na to, fotangina >___<;; Ayoko nang isipin yung mga nagastos ko dahil sa thesis, sumasama lang ang loob ko. Syett!! Sabi ko pa naman sa comment ko kay Tew ay hindi ako magrereklamo sa thesis dahil marami nang nagrereklamo sa kanilang mga thesis. Hayyy!! Buhay-estudyante nga naman.

Sobra pinsan ko, pinag-uusapan namin mga nabubuntis. Sabi ba naman sa akin: "ikaw kahit mabuntis ka, okay lang" o_O;; Kasi ba naman angliit lang nga pamilya namin. Dapat magdagdag ng bilang, bwahahah!! Ayoko nga, pucha, eh di na-lusyang kaagad ako nun x__X;;

Miss ko na yung merong cd player. Yun pa, kelangan ko ng bagong cd player \m/
Currently listening to: Too Phat's Story of A Girl
Posted by _forevergirl at 11:49 AM | 2 holla at me

Lanie!!!!!!!!!!!

Para sa yo tong post na to: ang cell number ko ay 09224127399. Nawala kasi yung dati kong sim eh. Ano??!?! Nanganak na si Rhina? Sino naman bumuntis sa babaeng yun? Kunsabagay, nasa edad na sya XD;; Miss na kita.

Bagong layout, hindi ako nakapanoong ng 24 dahil ginawa ko to u_u;;

Dapat na akong magpalit usericons......
Posted by _forevergirl at 11:41 PM | 3 holla at me

February 24th, 2004

=D

Thesis defense namin ngayon. Sabi nung prof ko, kami na daw best thesis XD Wow ^-^ Pero me 2 pang natitirang magdedefense ngayon na grupo kaya wish ko lang, sana nga, kami na yun.

Meron ako kaninang gustong tawagan kaya lang hindi pa ako nagdi-dial nangatog na naman buo kong katawan tapos yung boses ko garalgal. Ewan ko ba, ang init-init naman kanina pero feeling ko ang lamig. Siguro next time na lang ako tatawag kapag wala nang chemical reaction ang katawan ko. Hayyy!! Kelan kaya yun?
Currently listening to: Saliva's Rest in Pieces
Posted by _forevergirl at 02:34 PM | 1 holla at me

February 25th, 2004

Just feel like posting in English

I only realized today that not everyone who added me in their friends list can understand tagalog. So I'll post english entries sometimes.

I can relax now that the thesis defense is over. But we have things to do like correct our typographical errors and make copies of the video we made for the petroglyphs. Im happy that the panel were impressed at our work although Im not. I guess Im being a perfectionist.. this aint me e_e;;

This Korean tv series is making me cry in the past days and its going to end on Friday. Now, Im sad The story is really good. Think about this situtation, you got this rich and cute bf who want to study abroad with you and marry you and an accident made him forgot all about you. That's like a Überfat fish you just lost. Uhmm.. then there's this another girl who is inlove with this guy but then he met another girl and fell inlove with that girl. Talk about unrequited love. That makes you wanna say "Hey, bitch! I saw him first". This world is so unfair for losers XD;; A-hem!!

What's the point of watching tearjerkers?? Well, assholes and cunts fucked up your life and you never cry then you watch these soap operas and they're the one who actually make you cry.. That makes sense, LOL.

I even went through sites just to find out about the cast of Truth. Ja Young (Jana) is Choi Ji-Woo, Hyun Woo (Raymund) is Ryu Si-Won and Shin Hee (Chiny) is Park Sun-Young. See?? I did my homework n_n;; But if you ask me, I like the Raymund-Chiny pairing even Chiny is the antagonist in the series. I even uploaded their commercial. Im always sympathetic to girls who get rejected by guys =/

I'll be extending another month for my domain in DaetOnline. I need money. I want to buy a new discman (mp3, vcd, and cd player in one), a fairy dust siamese cat whom I'll name Britney =3, and two midget chickens I saw in the pet shop. Ill buy one rooster and one hen and Ill name them Tyler and Heather.

I uploaded my youngest sister's photo in my gallery =D I wonder where he go. I havent talk to him in 5 days. He didnt even email me or something. Bah, some bf I have >__>;;
Posted by _forevergirl at 07:47 PM | 9 holla at me

February 29th, 2004

Cam pix

Hayy, eto na yung mga cam pics na sinasabi kong ipopost ko. Nakakatawa kasi yun na naman t-shirt na yun ang suot ko. Hahaha!! Konti lang talaga damit ko ngayon, iniuwi na kasi sa Bicol yung karamihan kasi nga lilipat na rin kami pabalik dun. Nakakamiss nga ang Bicol kaya lang hindi ako marunong magsalita ng Bicol, nakakaintindi lang. Kasi pag ako nagsalita, iba pa rin accent ko tapos pinaghahalo ko pa Bicol-Naga, Bicol-Daet at Rinconada. Pinagtatawanan nga ako mga pinsan ko pagnagsasalita ako ng Bicol. Isa raw akong malaking TH (as in trying hard) at hilaw na Bikolana XD;; Nga pala, maliwanag kanina ang sikat ng araw kaya maputi akong tingnan sa pix. Pero ang totoo hindi ako maputi, kekekeke!!





Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba naman kasi nuknukan ako ng burara. Hindi ko na mahanap yung cd ko ng Atomic Kitten. Paborito ko pa naman yun. Magpapaburn na lang nga ako. Grr.. leche flan talaga. Ito yung song nila na fav ko talaga *_* Fan ako ng AK eh. Kaya hindi totoo yung sinasabi nila na maiingay lang na kanta ang gusto ko:

If you seen me walking down the street
Staring at the sky
And draggin' my two feet
You just pass me by
It still makes me cry
But you can make me whole again

And if you see me
with another man
Laughing and joking
Doin' what I can
I won't put you down
Cause I want you around
You can make me whole again

May bata sa news na pinatay ng mga holdaper na nangholdap ng isang bus na GLiner sa Ramon Magsaysay. Hindi daw ibinigay kasi yung cellphone nya o yung bag nya kaya dalawang beses daw binaril sa ulo. Ewan ko ba. Masyado na talagang talamak holdapan dito sa Manila. Nakatira kami along R.Magsaysay Blvd at yung mga suspect na inaresto ay mga taga-Paltoc St which is two blocks lang ang layo sa bahay namin. Hay, uber na talaga..
Currently listening to: Atomic Kitten's The Last Goodbye
Posted by _forevergirl at 04:56 PM | 6 holla at me